CONTEND features 'MORAL' at UP Film Institute

Dino Manrique's picture
2008-07-19 13:00
2008-07-19 19:00
Etc/GMT+8

CONTEND features the film MORAL on July 19, 2008

Start:      Jul 19, '08 1:00p
Location:      UP Film Center, UP Diliman
CONGRESS OF TEACHERS/EDUCATORS FOR NATIONALISM AND DEMOCRACY

Hulyo 1, 2008

Mga Kasamang Guro at Kaibigan,

Sa mga nakaraang buwan, puspusan ang pakikilahok ng CONTEND sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Lubos na nagagalak at nagpupugay ang buong

Unibersidad sa inabot nitong isangdaang taon bilang isang institusyong pangedukasyon. Hindi na nga maaaring maitatwa ang naging papel ng Unibersidad sa kasaysyan ng

lipunang Pilipino. At para sa mga makabayan at militanteng guro ng CONTEND, ang pinakamahalagang ambag ay hindi ang sistematiko at tila mekanikal na pagluwal ng mga

teknokrata at burukrata, kundi ang patuloy na pagiral ng UP at ng Iskolar ng Bayan bilang kritik ng lipunan at tagapagtanggol ng hustisya at karapatan.

Ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan ang siyang napiling tema ng CONTEND na tutuhog sa mga programa at aktibidad nito para sa buong taon ng sentenaryo. Bukod

sa mga pora, paglulunsad ng aklat at serye ng mga lektura na pinamagatang Sentenaryong Radikal, natatangi ang pagpapalabas ng pelikula na maglalaman ng pinakaubod ng

pagtataya at adhikain ng CONTEND.

Sa taon ng sentenaryo, malugod naming iniimbitahan ang lahat para sa pagpapalabas ng MORAL (1982), na dinerehe ng batikang direktor na si Marilou Diaz Abaya. Sa

panulat ni Ricky Lee, militanteng aktibista ng henerasyon ng mga magigiting na Iskolar ng Bayan na lumaban sa diktaturyang Marcos, ang MORAL ay nanatiling

pinakamakpangyarihang kwento ng apat na magkakaibigang babae na nagtagpo sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang buhay ng bawat isa ay mayamang representasyon ng

pinagsanib na talambuhay at panlipunang isyu sa kasaysayan ng lipunang Pilipino. Kabilang dito ang pakikisangkot ng mga Iskolar ng Bayan sa militanteng unyonismo ng mga

manggagawa at ng mas malawak na kilusang pambansa demokratiko, ang kalagayan ng kababaihan sa ilalamin ng sistemang patriarkal, ang pagigiit ng mga alternatibong

pamumuhay na nakabatay sa prinsipyo ng pantay at makataong pagpapahalaga sa usaping pangkasarian at ang pakikipagsapalaran ng mga artista sa isang komodifikadong

kultura ng industriyang showbiz.

Sa husay ng mga nagsipagganap at ng mismong pelikula, nagkamit ang MORAL ng gawad mula sa FAMAS para sa best supporting actress (Sandy Andolong) at best

supporting actor (Juan Rodrigo). Bukod dito'y maraming pagkakataon na naging nominado ito para sa mga karangalang best actress, best direction at best picture.

Tunay na matutunghayan sa pelikulang MORAL hindi lamang pinakamahusay na gawang-sining, kundi ang pinakamahusay na depiksyon, aral at kwento hinggil sa Iskolar ng

Bayan. Nawa'y magsilbing hamon ang panonood natin ng pelikulang ito tungo sa ating patuloy na pagpupunyaging mas lalong magpakahusay bilang iskolar na nagsisilbi sa

sambayanang pilipino.

Ang MORAL ay itatanghal sa UP Film Institute sa ika-19 ng Hulyo, Sabado. Ang unang screening ay magsisimula sa ganap na 1:00 ng hapon , ang ikalawang screening naman

ay magsisimula sa ganap na 4:00 pm.

Muli, malugod namin kayong inaanyayahan, sampu ng inyong mga estudyante at kaibigan.

Lubos na gumagalang,
Rolando B. Tolentino
Tagapangulo, CONTEND

maaaring umugnay sa numerong 09296582953 para sa kung anumang tanong o paglilinaw

Source