Sinekalye @ Cinekatipunan

Dino Manrique's picture
2007-02-13 17:30
2007-02-27 19:30
Etc/GMT+8

From Joy Domingo:

SINEKALYE@CINEKATIPUNAN
February 2007, 5:30PM
Mag:net Cafe Katipunan

February 6, Tuesday
MGA UNANG OBRA: (Short Feature)
Simula by Ruelo Lozendo
Obra by Chris Manjares
Ang Obrang Di Tapos by Rembrandt Vocalan

February 13, Tuesday
JUAN NIGHT STAND: ("Juan" Series)
Juan Gulay by Bulan Luna & Rox Lee
Juan Toga by Ray Gibraltar & Rox Lee
Juan Kaliwa by Lai Crisostomo & Rox Lee
Juan Orasan by Geraldine Borja Flores
Juan Gapang by Rox Lee

February 22, Thursday
NEW DOCS:(Documentary)
Perya by Ligaya Domingo
Huna-huna by Wilfred Galila
Sedey by Tommy Hafalla & Ruel Bimuyag

February 27, Tuesday
X for 4: (eXperimental)
Shaman by Ruelo Lozendo
True Blue by Luis Quirino
Huikotekan by Tad Ermitano
Lizard by Rox Lee

Pls visit our sites:
http://web.mac.com/ruelozendo/iweb/sinekalye/News.html
http://www.magnet.com.ph


Dino Manrique's picture

Update from Ging

Update from Ging Flores:

Mag-Juan Night Stand na sa bisperas ng araw ng mga Puso!

Ikaw ba ay nalolongkot at walang makausap? Pwes, sugod na sa Cinekatipunan at maki-Juan Night Stand sa mga pelikula na kinatatampukan ng ating paboritong indie film hero, si Rox Lee!

Silipin ang masayang mundo ni Roxlee at ng Sinekalye sa mga pelikulang “Juan Gulay”, tungkol sa isang vegetarian na kumakain lamang ng karne tuwing Mahal na Araw; “Juan Toga”, isang gradweyt na nagkasakit nang sinuot ang kanyang toga; “Juan Gapang”; isang mamang pagapang-gapang sa Maynila upang hanapin ang kanyang destiny; “Juan Orasan”, isang manggagawang galit sa bundy clock; at “Juan Kaliwa”, tungkol sa isang mama na nakipagtalik sa puno bago tumungo sa polluted na lungsod. Ipapalabas sa ika-13 ng Pebrero ang programa. Lahat ng mga pelikulang tampok sa gabing ito ay katha ng mga kasapi ng Sinekalye.

Ang Sinekalye ay isang grupo ng mga independent filmmakers, visual artists at musicians na nagnanais palawakin ang impluwensiya ng independently-produced, Proudly-Philippine made na art sa Pilipinas. Kasama sa vision na ito ay dalhin ang sining sa sambayanan- at saan pa ba pinakamainam na abutin ang sambayanan kundi sa kalye? Mula Leyte hanggang Mountain Province hanggang Singapore, bitbit lamang ang LCD projector, mga pelikula, at isang telang puti upang paglapatan ng mga gumagalaw na imahe, naipararanas ng Sinekalye sa ating mga kababayan ang kapangyarihan ng sining. Libre ang lahat ng palabas at mga workshop, na itinatanghal sa kalsada, sa basketball court, sa parking lot, sa bundok, at kung saan-saan pa. Kaakibat ito ng paniniwala ng Sinekalye na ang sining ay para pagsilbihan ang masa at pasayahin ang buhay.

Magkakaroon din ng pagkakataong makilala si RoxLee at mapanuod siya sa isang natatanging musical number. Kaya ano pang inaantay niyo? Makipagtalik sa sining ngayong araw ng mga puso at baka mahanap niyo na ang tru lab niyo! Free admission ito kaya walang palusot!

Ang programa ng Sinekalye Films ay ongoing sa Cinekatipunan ng Mag:net Katipunan tuwing Martes/ Huwebes, ika-5 ng hapon buong Pebrero. Ang mga filmmaker ay dadalo sa pagpapalabas. Kung kayo ay may mga katanungan makipag-ugnayan na lamang sa Cinekatipunan (sinag_haraya@yahoo.com) o sa Sinekalye c/o Ruel Lozendo (0917-2407911). Ang Cinekatipunan ay dinaraos bago ang mga pagtatanghal ng mga emerging at sikat na musicians sa Pilipinas. Ang Mag:net Café ay nasa Katipunan Avenue, harap ng Miriam College at Ateneo University. Maari rin kontakin ang Mag:net Katipunan sa www.magnet.com.ph o sa telepono 929-3191.

Kitakits! Pwede magdala ng date/nililigawan/papakasalan. At kung single, magsuot ng pulang laso o necktie!